Sunday, July 19, 2009

Talisik hangga Uyayi't Ataol

http://tbn1.google.com/images?q=tbn:IYaJWlyTD3b6OM:http://www.mattpat.net/crazy-ones.png

Talisik hangga Uyayi't Ataol
(Dennis Capistrano)
(Enero 17, 1998)

Biglang bira, nabuo ang selula sa haybat at tumubo. Sa
panahonan, ay naitulak sa buka. Natungga sinag ng labas,
buhat man sa ligas, o burdan.

Nang buksan ang mga mata, at nakislapan nangatog ang loob, at
simula na mamulak ang sintang utak. Mula waling unang hapag at
mga susunod pa.
Lakbay sa oras sampay sa ranas at sakay sa landas ay buod ng
biag.

Alaala'y mga arian at habang may hagap,
lilikha pa ng magaganap makakamtan
Ang mga hangad, at aangkin ng mga kilalan

Pilitin mang makaigcas sa gapos,
sadyang wagas na ang abot ng lubid ng buhay.
Patol nito'y madaling mauhaw,
tiis ay natutuyo at uuwi sa kubol, kung saan
ang ginhawa ng pahinga'y mapatuloy,
Hanggang…

Mahimbing tulog, ay basbas ng kamatayan .

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites